Para Sa Mga Kababayan Kong Pinoy Anime Fans

Hindi ako sigurado kung ilan sa inyo dito sa komunidad ng WordPress anime bloggers at sa mga mambabasa ng aking munting blog ang mga Pilipino.  Ito ang pinaka-unang pagkakataon na ako’y nagsulat ng isang buong post sa Tagalog.  May mga nakilala na rin naman akong mga pinoy anime fans sa pamamagitan nitong blog ko.  Medyo natatawa lang ako dahil lahat sila ay hindi inaakalang Pilipino rin pala ako.  Ang akala raw nila ay Amerikana o ‘di kaya’y Haponesa ako.

Phili-kun by mame_lyssa
Credit: mame-lyssa

Ako’y isang Filipino-Canadian pero pinoy na pinoy pa rin ang puso ko.  Ang aking hilig at pagmamahal sa anime ay siguro dahil na rin sa aking pagka-Pinoy.  Alam kong napakarami ng mga Pinoy fans na kagaya ko.  Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung paano sila madidiskubre dahil karamihan sa kanila ay gumagamit ng anime usernames at avatars at Ingles ang salita.

Kaya nananawagan ako sa mga kababayan kong pinoy anime fans na magpa-kilala kayo sa akin.  Sabik akong mag-Tagalog.  Puro Ingles at Hapones nalang ang naiinkwentro ko sa pagiging isang aniblogger.  Sana naman ay may regular akong maka-usap ng Tagalog tungkol sa anime.  Kung pinoy anime fan ka, huwag kang matakot na makipag-kilala sa’kin.  Mabait naman akong tao. . .sa tingin ko.  At hindi ako nangangagat. . .minsan lang.  Basta ‘wag mo akong bastusin, hindi kita aatakihin.

Grabe.  Medyo nahirapan akong isulat itong post na ito ah.  Talagang pinilit kong i-Tagalog lahat.  Ang hirap; may Ingles pa rin.  Haynaku!  Pero ayos lang dahil naiwasan kong i-Taglish.  Kung Taglish lang naman kasi ang labas, mas maganda nang i-Ingles ko nalang ng lubusan, ‘diba?

Wala akong ilusyong maging makata pero importante sa akin na marunong ako sa aking orihinal na salitang Filipino.  Dismayado ako na halos lahat ng mga kilala kong Pinoy ay Taglish ang salita (kagaya ko).  Taglish dito, Taglish doon.  Walang sopistikasyon.  Kung tutuusin, napakaganda naman ng ating wika kaya ‘wag tayong mahiya na gamitin ito.

Kaya para sa mga kababayan kong Pinoy anime fans, magpa-kilala at makipag-kaibigan kayo sa’kin, ha?  Kahit isa man lang sa inyo ang mangumusta, masaya na ako.  Magpakasaya tayo sa pakikipag-usap tungkol sa anime gamit ang sarili nating wikang Filipino.  Maghihintay ako.  Maraming salamat!

-Arria


Loved what you read?  Share this post with your friends.  Also feel free to connect and follow Arria on Twitter and this site on Google+.  Also like Fujinsei’s Facebook page.  Thanks!

Support Fujinsei by using the following affiliate links whenever you shop online with these websites:

CDJapan.co.jp

Play-Asia.com

Amazon.com

Amazon.ca

Fujinsei is also a WordAds member, so if you would be so kind as to turn off your ad blocker when using this site, that would be greatly appreciated.

Read Disclosure Policy for more information about how this site uses affiliate links and ads.  Thank you very much for your support!

Advertisements

46 thoughts on “Para Sa Mga Kababayan Kong Pinoy Anime Fans”

  1. Hello Kabayan! ^_^

    Medyo nagulat ako na Pinoy ka nga, alangan kasi ako dati. Sa kasamaang palad, hindi na ako masyadong nakakanood ng mga anime, at nabaling na ng husto ang aking atensyon sa manga at video games. 😦 Mga makalumang panahon pa yung mga alam kong anime. Ehehe.

    Liked by 1 person

    1. Kababayan! Ayos lang kahit hindi anime ang pinagakaka-abalahan mo ngayon. Mahilig din naman ako sa manga eh. Sa video games lang ako medyo umiiwas dahil napakadali kong maadik diyan. Mga Dragon Ball ba yong sinasabi mong makalumang panahon na anime? O mas luma pa? 😂 Maraming salamat sa pagpakakilala mo sakin.

      Like

    1. Ahahaha! Marami nga nagsasabi na akala nila Haponesa ako. Yay, kababayan! Maraming salamat sa pagpakilala mo sakin. Masaya ang makipag-kwentuhan sa kapwa natin Pinoy. Dabaw? Davao ba yan o iba pa? At magandang hapon sa iyo mula dito sa Canada. 😊

      Liked by 1 person

      1. Proud na proud kayo siguro at ang mayor ninyo ay naging presidente na ng Pilipinas. Hindi naman masyado. Ang dad ko ang laging updated sa politics sa Pilipinas, kinikwento lang niya sa akin at nakikinuod na rin ako ng balita ‘pag nanunuod siya. Pinanuod ko rin ‘yong SONA niya. Tawa ako ng tawa (in a good way).

        Like

      2. Nakakaproud kasi first time magkaroon ng presidente ang Pinas ng taga Mindanao tapos taga-Davao pa haha. Palabiro masyado si Digong (tawag sa kanya dito sa Davao) wag mo lang gagalitin kasi ewan ko nalang haha.

        Liked by 1 person

      3. Oo nga eh. Grabe, palaban talaga siya. Napanuod ko ‘yong pagsagot niya doon sa foreign reporter at ‘yong pag-threaten niya na ipupull out niya ang Pinas sa United Nations.

        Like

      4. May mga ugali nga lang syang medyo hindi maganda pakinggan. I was so against what he said dun sa ambassador ng US. He called him gay and hindi yun propesyonal pakinggan coming from the man with the highest rank in the country. And some of his methods are also foul. About sa UN, it was only a joke haha. Ganyan talaga sya even when nasa Davao pa sya. But then, hindi ko naman sya masisisi kung umabot na sa ganyan ang paraan niya para malinisan ang bansa. Corruption, poverty and drugs are very evident. That’s because walang ginawa ang mga past admins sa mga problema, puro sarili lang iniisip nila and paano magpayaman. So, even when Digong’s methods are foul, wala ng ibang paraan para malinis ang Pilipinas. Mabuti nga at nasa magandang bansa ka na ngayon kasi kung andito ka makikita mo yung mga tao minsan walang makain, walang bahay na matulugan. Sa Davao hindi ganun masyado kalala in comparison to other cities/provinces kasi may mga program ang local government but sa iba yun, sobrang hirap ng buhay.

        Liked by 1 person

  2. WIKANG PAMBANSA ANG GAMIT KONG SALITA
    BAYAN KONG SINILANGAN
    HANGAD KO LAGI ANG ANIME

    Ako’y nalulubos kang makilala, Ginang Arria Krus. Ang alam ko ay nagkokomento ka sa aking blog dati, at kagulat gulat nalang na malama’y isa kang ring kababayan.

    (seriously, I find it awkward speaking in filipino in the realm of the internet)

    Liked by 1 person

    1. Oh wow. Lalim ah. Maraming salamat sa bati. Anong gusto mong itawag ko sayo? Naku, tama ka. Awkward na mag-Tagalog pero medyo nasanay-sanay na rin ako dahil may mga kausap na rin ako na kababayan natin simula nong sinulat ko itong post na ito. Ang saya nga eh. Maraming salamat uli! Usap uli tayo soon. Ingat!

      Like

    1. Oh! Pinoy ka rin? Ayos! Oo, nakapanuod na ako ng Filipino-dubbed anime. Yong mga napanuod ko dati ay yong Charlotte at Heidi yata yon. At Secret Garden. Mayroon din dating Ilocano-dubbed. Ahaha. Nakapanuod na rin ako ng mga Filipino-dubbed drama. Wala akong pakialam sa mga hindi umaayon pero sa tingin ko mas magagaling ang mga Filipino dubbers kaysa sa kanilang mga English counterparts.

      Liked by 1 person

      1. Parang napanuod ko rin yata ang Yakitate Japan sa Tagalog. Hindi lang ako sigurado. Mas impressed ako sa Tagalog-dubbed anime kaysa English ones. Pero siyempre hindi ko sinasabi na pangit lahat ng English dubs, may mga magaganda rin. Ganon din sa Tagalog. Depende na rin siguro sa cast. Tsaka iilan lang ang mga napanuod kong anime na Tagalog-dubbed kaya hindi ko rin sigurado kung lahat ng dubbers ay ganon ang quality.

        Liked by 1 person

      2. Depende na rin siguro mga sa cast. Ang Dragon Ball nga eh, mas nagustuhan ko ang Tagalog-dubbed kaysa sa original Japanese. Napanuod ko rin ang HxH sa Tagalog. Ang Pokemon, English lang ang napanuod ko. Halos lahat na ba ng mga anime na sikat ay pinapalabas sa Pinas ng Tagalog-dubbed?

        Liked by 1 person

  3. Kababayan~!!

    Sa 5-6 na taon mula nang nag-umpisa ako sa ani-blogging, nabibilang sa dalwang kamay ang mga nakilala kong Filipino – pero dala narin siguro nang hindi ito karaniwang nasasama sa mga nagiging usapan (na madalas sa wikang Ingles). ‘Tas bigla nalang may “Ah, Pinoy/Pinay ka pala!” moment, na nakakatuwa naman tuwing nangyayari (pero sa kaso ngayon, medyo napag-alaman ko na sa isang blogroll na isa kayong Pinay).

    Pahapyaw ko lang namang nabanggit na tiga-Pilipinas ako sa ‘About’ page ko, kaya di ko din tancha kung nalaman niyo rin ba na Filipino ako xD

    Kung hindi man, ako po’y nagpapakilala bilang isa ring Pinoy. 😀

    Liked by 1 person

    1. Ako rin! Napakonti ng mga kakilala kong Pinoy na nandito sa anime community natin sa WordPress. Ang madalas ay parang sayo na Pinoy pala, hindi ko nalalaman. Napakaganda ng pakiramdam pag may nakikilala tayong kababayan natin dito, diba? Mabuti naman at alam ko na na Pinoy ka rin pala. Maraming salamat sa pagpapakilala. Ingat!

      Liked by 1 person

  4. haha! mabuhay ka arria! matagumpay mong nagawang tagalog ang buong blog na ito. Ako rin ay natutuwa na makilala ka dito. Hindi ko rin inakala na ikaw ay isang Filipina. Masaya ako na nakadaupang palad kita sa mundo ng pagsulat. Patuloy akong magiging kaibigan mo dito. At kung bibisita ka sa Pilipinas, balitaan mo ako. Magiging masaya ako na makilala ka rin sa personal! ^o^v

    Liked by 1 person

    1. Mabuhay Lovely! Maraming salamat! Okay ako sa pagsasalita, medyo hirap nga lang sa pagsusulat lalo na pag purong Tagalog. Ang wika kasi kung hindi laging ginagamit, nalilimutan mo na eh. Ayaw ko namang mawala ang abilidad ko sa pagsusulat sa Filipino. Hindi namana maganda yon. At tsaka lumalalim pa ng husto ang bokabularyo ko sa Filipino pag may mga nakaka-usap akong napakagaling na magsalita at magsulat ng purong Filipino. Oh sige. Sabihin ko sayo pag bibisita ako ng Pilipinas. Saan ka ba, Manila?

      Liked by 1 person

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s