Kay Sayang Makilala ang Kapwa Kong Pinoy Anime Fans

Maraming salamat sa mga nagpakilala sa’kin noong nagsulat ako ng post na Tagalog nitong nakaraang Hunyo:  “Para Sa Mga Kababayan Kong Pinoy Anime Fans”.  Nagagalak po akong makilala kayo.  Hindi ko inaasahan na may lilitaw at makikipag-kilala sa’kin, kaya maraming salamat po.

happy girl jumping in joy

Napakasaya nga naman talaga na makipag-kwentuhan sa kapwa nating mga Pilipino sa ating wikang Tagalog.  Kahit man nasa iba’t ibang parte tayo ng mundo, konektado pa rin tayo ng ating pusong Pinoy.  At ang mas masaya pa ay anime fans tayo.  Wow ‘di ba?

Pero ang mas ikinasaya ko ay may mga nangumusta pa rin sa’kin kahit hindi sila anime fans.  Ang saya kasi simula noong nalaman nila na Pinoy pala ako, mas naging mainit ang pagtrato nila sa’kin kaysa noon na para bang pa-hi-hi at pa-hello-hello lang sa Twitter at sa mga komento sa mga blog namin.  Pero ngayon, hala, chismisang walang humpay.

Sobrang saya ko at ang dami kong natututunan sa mga pakikipag-usap ko sa inyo.  Wala akong TFC o GMA (hindi kasi ako mahilig manuod pwera nalang kung balita), kaya hindi ko nasusubaybayan ang mga bagong slang o catchphrases sa Pinas.  Akala ko nga dati ay bagong produkto o teknolohiya ang Aldub, ‘yon pala ay love team sila. 😄

Medyo nagulat din ako kasi marami-rami na rin palang mga conventions at anime events sa Pilipinas.  Wow ‘di ba?  Walang ganyan dati sa pagkakaalam ko.  Ngayon ang rinig ko ay naglipa na sila.

otaku expo 2016 philippines sm mega mall

Mukhang masaya, ah.  Medyo inggit yata ako.  ‘Pag nagbakasyon ako sa Pinas, tingnan natin, baka makapunta ako sa isa sa mga ganitong events.

Maraming salamat uli sa inyo sa mainit na pagtanggap niyo sa akin bilang isang kababayan.  Kung maaari lang, mag-Tagalog nalang tayo ‘pag nag-uusap.  At kung sino man ang marunong mag-Ilocano o mag-Pangasinan, kausapin niyo rin ako.  Hirap akong magsalita ng Ilocano at Pangasinense pero nakakaintindi at nakakabasa naman ako.  Gusto kong mahasa dito.  At sa mga marunong mag-Bisaya, turuan niyo rin ako!  Ahaha!  Demanding eh, ‘no? 😄 Pero seryoso.  Interesado akong matuto kung may mga mahahaba ang pasensiya na magturo.

Nakakapagod magsulat sa Tagalog, ah.  Naduduling ka rin pala ‘pag hindi ka sanay at tsaka lecheng spellcheck ito.  Lahat ng isinulat ko ay may pulang underline.  Gusto kong sabunutan at sabihing, hindi ako wrong spelling!  Tagalog lang ‘ito.  Ano ka hilo?  Pero baka sabihin ng mga taong nasa paligid ko na sira ulo itong babaeng ito ah, nakikipag-away sa kompyuter.  Nakakahiya naman.  Kahit ganito ako, may konting hiya pa naman akong nararamdaman.

Oh siya.  Magpapaalam na ako.  Baka tuluyang maduling na ‘ko nito.  Maraming salamat uli sa mga bago kong nakilalang kababayan nating Pinoy, anime fans man o hindi.  Mabuhay!

-Arria


Loved what you read?  Share this post with your friends.  Also feel free to connect and follow Arria on Twitter and this site on Google+.  Also like Fujinsei’s Facebook page.  Thanks!

Support Fujinsei by using the following affiliate links whenever you shop online with these websites:

CDJapan.co.jp

Play-Asia.com

Amazon.com

Amazon.ca

Fujinsei is also a WordAds member, so if you would be so kind as to turn off your ad blocker when using this site, that would be greatly appreciated.

Read Disclosure Policy for more information about how this site uses affiliate links and ads.  Thank you very much for your support!

Advertisements

27 thoughts on “Kay Sayang Makilala ang Kapwa Kong Pinoy Anime Fans”

      1. Ah I see. My domain name is almost expiring. >.< Well, I do hope I can use the money I can earn in blogging too. Haha! May I ask… Do you register in a premium plan on wp? I am thinking about it.. Are you planning to do self hosting blog.. I mean leaving wordpress.. ?

        Liked by 1 person

      2. Hindi. Yong basic plan lang. Di ko naman kailangan yong mga features don sa premium, sayang lang yong pera na ibabayad ko. Tingnan nalang natin sa future, baka kumuha ako. Pero sa ngayon, di ko kailangan. Napag-isipan ko na rin ang self-hosting pero baka hindi ko kayanin. Ako lahat ang bahala pag self-hosting eh. Ikaw?

        Liked by 1 person

      3. Mahirap ang self hosting kasi.. mas malaki rin ang gastos.. ang gusto ko lang makabili ng new theme or layout na gusto ko.. ayun.. at mga plug ins for ads .. #bloggerstuffs… kaya may balak ako sa premium… may tanong ako sa domain name.. pde bang i re new yun… ? .com parin ang gusto ko…

        Liked by 1 person

      4. Oo nga eh. Ikaw nga bahala lahat pag self-hosting. Ayos siguro kung may sariling team ka na mag-maintain ng website tapos ikaw nalang ang magsulat ng content. Wala tayong ganon sa ngayon. Maybe in the future. Tsaka satisfied naman ako sa basic plan ngayon eh. Nagagawa ko ang mga gusto ko.

        Pwede ka naman na bumili ng themes ngayon kahit basic plan lang eh. Kaya lang one-time use lang yata yon. Pag gusto mo uli palitan, babayad uli. Oo, pwede irenew. Yong akin, automatic renewal. Hindi ba yong sayo?

        Liked by 1 person

      5. Free lang ang theme ko.. Yoko Theme… I am planning to change on a yearly basis.. tumitingin ako minsan ng mga theme appropriate on my blog. may bayad eh…yung ba naman premium…. 🙂

        Liked by 1 person

  1. Kamusta kaibigan! Haha! Nakakatuwa at mukang magtutuloy-tuloy na nga ang pagsulat mo sa tagalog dito sa wordpress. Sa totoo lang, kahit sa pagbibigay ko ng komento ngayo ay may pulang linya. hahaha!

    Oo, maraming nagaganap na anime conventions dito sa Pilipinas. Madalas sa Pasay City ito.. Nakarating ka na ba ng mall of asia? SMX? Dito madalas at pupunta ako dyan sa Oktubre. Hahaha! Grabre nasasabik na ako! 😄

    Tagalog lang ang alam ko at wala ng iba pa kaya baka hindi kita matulungan sa ibang dialektong Filipino. Pero sana nga makabisita ka dito. Iba na pala ang presidente. Si Duterte na.. haha!

    Liked by 1 person

    1. Kumusta rin sayo, kaibigan! Oo nga. Gusto ko talagang ituloy-tuloy na magsulat sa Tagalog dito kahit isang beses lang kada buwan. Ahahaha! Oo nga eh. Puro pulang linya, medyo nakakainis.

      Oooooooh. Ang saya naman. Oo, nakapunta na ako sa SM Mall of Asia noong unang gawa palang siya. Siguro marami na ang nabago ngayon dahil lagpas sampung taon na ang nakakalipas. Mga nakailang punta ka na sa mga anime conventions diyan? Parang ang saya.

      Oo nga eh. Yong dad ko, fan ni Duterte. Laging nanunuod ng balita tapos kinukwento sa akin at nagdedebate kaming dalawa kaya medyo alam ko mga nangyayari sa politics diyan. Nanuod nga kami ng SONA, tawa ako ng tawa. Komedyante pala ang bagong Mr. President eh. Kumusta naman ang pamamalakad niya sa tingin mo?

      Like

      1. Haha! Ngayon palang ako makakapunta na isang anime convention kasama ang isang kaibigan…😄
        Talaga.. ako hindi nya ako fan. Anti-drugs sya at hindi sya takot pumatay ng tao… matapang sya at nakakatawa.. at parang nagiging kataw tawa nalang din ang pilipinas.. pero wala akong magawa dahil maraminh tao ang gusto sya..👥👥👥

        Liked by 1 person

      2. Oooooh! Saan ka pupuntang convention? Magcocosplay ka o aattend ka lang?

        Hindi rin niya ako fan. Pero gustong-gusto siya ng dad ko. Oo nga eh. Ang galing niya para makuha ang suporta ng mga tao.

        Liked by 1 person

      3. Hindi. Gusto lang talaga niya yong katapangan niya. Di rin niya ko fan dahil masyadong extreme siya sa tingin ko. Pero good for him kung malinis nga na talaga ang Pilipinas.

        Like

  2. Hahahaha. Randam ko din ang hinanakit mo sa spellcheck! Tsaka sabi ko tuturuan ko kayo ni Kira mag-Bisaya, diba? Kaso hindi ako tumatanggap ng 100 smiles na bayad. 100 pesos po para may pambili akong manga. Haha. Biro lang! Gawan ko kayong modules para ayos. Kahit module-modulan lang. 😄 Tapos turuan mo din kami Ilocano at Pangasinense. Para magkalaman naman ang utak ko. Charet!

    Liked by 1 person

    1. Masyado kang mahal magsingil. Discount naman kababayan, 100% off. 😂
      Oh sige. Go go. Turuan mo ako mag-Bisaya. Hindi ako masyado marunong mag-Ilocano or Pangasinense. Hirap ako magsalita, pero nakakaintindi ako. Turuan mo ko ha!

      Like

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s